eros the bittersweet

akap

bagamat hapo ang katawan bunga ng ilang oras na paglalakbay, ang diwa ko ay sadyang ayaw mapagod. iniisip ka, sa saglit na ito ~ nagpapasalamat, nagdarasal, tumatangis. umaasang darating ang panahon na mamumulat ka at mahihimbing sa tabi ko. nangangarap na lumagi sa piling mo, na huwag kailanman malayo sa iyo, mahal ko.

sa pagkakataong ito, dinaig ko ang sarili kong kakayanan para umibig at magparaya. hindi lubos maisip na ilang buwan lamang ang nakararaan ay sapat na sa aking makita ka at makausap ka ng ilang sandali. ang mga bagay na iyon ay sapat pa rin, ngunit ang pinakamalaking surpresa sa lahat ay ang bigyan mo ako ng panahon, ang pag-ukulan mo ako ng pagmamahal, ang handugan mo ako ng mga pangarap.


kaya naman hindi ako kailan pa man titigil sa pasasalamat ~ sa Maykapal at sa iyo, ang pinakamamahal ko. dahil ikaw ang bunga, ang rason, ang lunas, ang sanhi ng ligayang walang hanggan.

0 comments:

 

anais nin

and the day came when the risk to remain tight in the bud was more painful than the risk it took to blossom.

t.s. eliot

i should have been a pair of ragged claws.

frida kahlo

i hope the exit is joyful and i hope never to return.