kung sakaling muling malilingat ang iyong diwa,
kung sakaling muling magigising mula sa pagkahimbing,
alalahanin, isipin, damhin
ang katotohanan
na hindi kailanman muling
magluluksa,
mag-iisa,
mawawalan ng kapiling
sapagkat narito ang kamay ko
nag-aabang na hawakan mo
at narito ako
para magpatotoo na
walang hanggan ang sampalataya
sa pagmamahal mo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment