tulad noong disiplinadong nalunod
na binilang ang mga along sasapat para
na binilang ang mga along sasapat para
siya’y mamatay, at nagbilang, at
nagbilang muli para maiwasang magkamali
hanggang sa huling alon;
maging ang alon na singtaas ng isang
bata’t umabot sa kanyang noo,
ganyan ako nabuhay, medyo pabaya
gaya ng kabayong karton sa loob ng banyo,
alam ko na ni minsa’y di ako nagkamali,
maliban sa mga bagay na pinakamamahal ko.
maliban sa mga bagay na pinakamamahal ko.
autobiografia ~ luis rosales
0 comments:
Post a Comment