eros the bittersweet

nagbabalik

katha ng tingin
kislap sa dilim
lumilipad ang iyong halik
sa ulap ng panaginip
sa iyong alab
nabubuhay ang
hibla ng bawat pangarap
ibig kang itakas sa
karimlan
naglalayag sa landaas
ng iyong paniniwala
tangan ang pag-ibig
at pag-asa
inaasam ang iyong pangako
iaalay sa iyong paanan ~
diwa, pagnanais, pagwawari
hanggang makarating sa
alapaap na inilahad at
kinatha ng iyong tingin.

0 comments:

 

anais nin

and the day came when the risk to remain tight in the bud was more painful than the risk it took to blossom.

t.s. eliot

i should have been a pair of ragged claws.

frida kahlo

i hope the exit is joyful and i hope never to return.